Pinoy Short Story Jokes

BYE PAPA

Pumasok ako sa 7/11 para bumili ng coke. Pagbukas ko ng refrigerator ay napansin ko ang isang matandang lalaki na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. After a minute, nahuli ko ulit siyang nakatingin sa akin kaya napilitan akong lumapit sa kanya. 

Ako: Manong, bakit nyo po ako tinititigan? Ano pong pangalan nyo?
Jose: Ako si Jose, iho. Kamukha mo kasi yung anak kong namatay. Bago siya namatay ay nagkatampuhan pa kami. Pwede ba iho, paglabas ko sa pintong yan ay sabihin mong "Bye, Papa" para naman mabawasan kahit konti ang sakit ng dibdib ko.

Maluha-luha ko siyang inihatid sa pintuan ng 7/11 dahil sa guilt "Bye Papa," tumingin at ngumiti siya sa akin. Bumalik ako sa counter para magbayad.

Ako: Patingin po ng resibo. Jusko! Isang coke lang ang binili ko P1,290 ang babayaran ko!?
Cashier: Sabi ng Papa mo, ikaw daw ang magbabayad ng lahat eh.
Ako: Ano!? Hindi ko papa yon!!
Cashier: Naks! Lumang style na ýan, nagpapaalam ka pa nga sa kanya!!!


KALBO

May isang lalaki na kalbo na ang paboritong kulay ay black. Lahat ng nasa bahay nya at gamit ay kulay black, maging ang pusa niya. Isang araw pumunta siya sa mall at may nakita siyang green na suklay. Sa tingin nyo, bkit di nya binili!!?

Source: Pinoy Big Jokes Vol. 8 No. 61
Pinoy Short Story Jokes Pinoy Short Story Jokes Reviewed by Admin on September 27, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.