Pinoy Animal Jokes

ITIM AT PUTING KALABAW

Reporter: Sir, konting interview lang po tungkol sa mga kalabaw n’yo.
Farmer: Ok.
Reporter: Saan n’yo po sila pinaliliguan?
Farmer: ‘Yung itim o ‘yung puti?
Reporter: ‘Yung itim.
Farmer: Ah, sa sapa.
Reporter: E ’yung puti?
Farmer: Sa sapa rin.
Reporter: (Tumaas ang kilay). Ah, ganun po ba. Ano pong pinapakain n’yo sa mga kalabaw n’yo?
Farmer: ‘Yung itim o ‘yung puti?
Reporter: Ah ‘yung puti.
Farmer: Damo.
Reporter: E ’yung itim?
Farmer: Damo rin.
Reporter: (Medyo nainis). Saan n’yo po sila pinapatulog?
Farmer: ‘Yung itim o ‘yung puti?
Reporter: ‘Yung itim!
Farmer: Sa ilalim ng puno.
Reporter: (Nainis). Teka nga, bakit mo pa tinatanong kung ‘yung itim o ‘yung puti, eh pareho lang naman sagot mo!?
Farmer: Ah, ganito kasi ’yan, ’yung itim sa akin kasi ’yun.
Reporter: Eh, ’yung puti?
Farmer: Sa akin din.
Wahahahahahaha… Buset!!!

NAGPAPAGALINGAN NG MGA ALAGANG HAYOP

Juan: Mga parekoy, alam n’yo ba na ang pusa ko ang pinakamagaling na hayop sa lugar namin. Sa sobrang galing ng usa ko lahat ng aso sa amin ay takot sa kanya kaya wala ng aso na pagala-gala sa lugar namin.
Pedro: Sus, wala ’yan sa aso ko, parekoy. ’Yung aso ko kase, nakaugalian na n’ya na sa tuwing matapos kaming kumain ay siya ang nagliligpit nito.
Pepe: Mga pare, uuwi muna ako.
Juan: Bakit ka uuwi, pare?
Pedro: Wala ka bang alagang hayop?
Pepe: Nagtext kasi ang kambing ko, pare. Sumabit daw ang saranggola ng manok ko sa puno, eh, inakyat ng kalabaw ko. Natatakot ako baka bumagsak ang puno siguradong magagalit ang kabayo ko siya kasi ang nagtanim nu’n. Sige mga pare ko. Sinusundo na ako ng baka ko, dala ang tricycle namin!!!.



Source: Pinoy Big Jokes Vol. 8 No. 61
Pinoy Animal Jokes Pinoy Animal Jokes Reviewed by Admin on September 27, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.