Q and A Pinoy Jokes

Q: Anong isda ang mahilig magsulat?
A: Eh di la-FISH!

Q: Anong isda ang hindi basa?
A: Eh di TUYO!

Q: Anong tawag mo sa palaman na isda?
A: Eh di JELLYFISH!

Q: Anong hayop ang napuputol?
A: Eh di CAT!

Q: Anong hayop ang idol sina Francis M., Michael V, and Andrew E.?
A: Eh di OSO!

Q: Anong tawag mo sa mga isdang nagsisisiksikan?
A: Eh di SARDINAS!


Q: Anong tawag sa mga samahan nga mga aso?
A: Eh di ASO-ciation!

Q: Anong hayop ang mahilig sa brief?
A: Eh di BIRD!

Q: Bakit ang aso pag umiihi laging nakataas ang paa sa pader?
A: Para di matumba ang pader!

Q: Anong sabi ng bangus nung mamamatay na siya?
A: Im DAING!

Q: Ano ang hayop na laging nakatungo?
A: Eh di caraBAO!

Q: Ano ang sabi ng isda nung hiwain na siya?
A: I'm TUNA!

Q: Ano-anung isda ang dalawang beses inuulit ang pangalan?
A: Ano pa eh di hasa-hasa, maya-maya, sapsap, lapu-lapu, at iba pa.
Q: Eh, yung isdang tatlong beses inuulit ang pangalan?
A: Ano pa eh di 555!

Q: Anong hayop ang pinakatanga?
A: Isda
Q: Bakit?
A: Kasi ang laki-laki ng dagat nagsisisiksikan sila sa lata!

Q: Anong hayop ang mahilig kumanta?
A: Eh di PALAKAnta!

Q: Anong hayop ang may pinakanakakatakot na virus?
A: Eh di ANThrax!

Source: Pinoy Big Jokes Vol. 8 No. 61
Q and A Pinoy Jokes Q and A Pinoy Jokes Reviewed by Admin on September 27, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.